Pangulong Duterte hindi na maglalabas ng EO vs. endo

INQUIRER FILE PHOTO

Hindi na maglalabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para tuldukan ang endo o end of contact.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Rroque na ipinauubaya ng palasyo sa kongreso ang pagresolba sa problema ng mga ordinaryong manggaagwa na hindi nareregular sa kani-kanilang trabaho.

Gayunman, agad namang nilinaw ni Roque na hindi ito nanganghulugan na tinatalikuran na ng pangulo ang kayang pangako noong panahon ng kampanya na tutuldukan ang endo.

Ayon kay Roque, natugunan na kasi ng pangulo ang problema sa 555 o ang mga manggagawa na umaabot lamang ng limang buwan at tinatanggal na sa trabaho para hindi na maregular.

Aminado si Roque na walang nabuong tripartite agreement kung kaya wala nang ilalabas na EO sa endo ang pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...