NDF handa sa panibagong peace talk

Joma
Inquirer file photo

Handang bumalik sa negoatiating table ang National Democratic Front-Communist Party of the Philippines pagpapasok ng bagong administrasyon sa susunod na taon.

Sinabi ni NDF-CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na umaaa silang magiging bukas din sa usapan ang papalit na gobyerno sa Aquino Administration.

Nauna nang sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kaibigan siya ng Komunistang grupo at kung sakaling magiging pangulo siya ng bansa ang peace talk sa maka-kaliwang grupo ang una sa kanyang mga aasikasuhin.

Ayon kay Sison, nagpahatid din ng kahandaan sa pag-uusap ang tambalang Grace-Chiz kasabay ng kanilang pag-endorso kay Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares.

Sinabi rin ni Sison na kailangang maging maingat si Duterte sa pagpili ng kanyang magiging Vice-President lalo na sa paglutang ng pangalan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sinabi ng lider ng komunistang grupo na kahit na sino ay tiyak na magiging mahusay na pangalawang pangulo sa hanay ng mga kandidato maliban kay Marcos na ayon sa kanya ay tiyak na gagayahin din ang istilo ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ipinaliwanag din ni Sison na magpapatuloy ang armed struggles sa mga kanayunan hangga’t hindi ibinibigay ng pamahalaan ang maayos na pamumuhay sa mga ordinaryong mamamayan.

Read more...