Pinag-aaralan na ng bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office na si Director Camilo Pancratius Cascolan ang pagtatalaga ng mga bagong district directors sa National Capital Region.
Ayon kay Cascolan, wala pa syang napipisil na mga district directors dahil ina-asses niya pa ang performance ng mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto.
Dagdag pa niya, mag-uusap pa sila ng bagong PNP Chief na si Oscar Albayalde kaugnay sa bagay na ito.
Sa ngayon, ang QCPD pa lang anya ang magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa pagkakatalaga kay QCPD Director Guillermo Eleazar bilang director ng Region 4-A.
Una nang inanunsyo ni incoming PNP Chief Director Oscar Albayalde na si Chief Supt. Joselito Esquivel na kasalukuyang nakatalaga sa the Directorate for Intelligence ang magiging bagong QCPD Director.
Ayon kay Albayalde ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa pwesto ay dumadaan sa PNP oversight committee at walang kinalaman ang pangulo dito.