P2 kada minutong singil ng Grab sinuspinde ng LTFRB

Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng Grab sa P2 kada minutong singil sa mga pasahero.

Batay sa inilabas na kautusan ng LTFRB, habang sumasailalim sa review at habang wala pang inilalabas na resolusyon ang ahensya sa usapin ay inaatasan ang Grab na itigil muna ang pagpapatupad ng P2 per minute charge.

Effective immediately ang utos na nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, Board Member Ronaldo Corpus, at Executive Director Samuel Jardin.

Patuloy pang dinidinig ng LTFRB ang nasabing kada minutong singil ng Grab

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...