Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Mayo nakatakda ang pagbisita ng pangulo sa Kuwait para saksihan ang paglagda sa kasunduan na naglalaman ng pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.
Sa ngayon pinaghahandaan na aniya ng DFA ang naturang biyahe ng pangulo.
Kabilang sa lalamanin ng kasunduan ang hindi pagkuha ng mga employer sa pasaporte ng mga Pinoy, bigyan sila ng maayos at patas na labor conditions, at bigyan ng rest day.
Sa sandaling malagdaan ang kasunduan, hindi pa malinaw kung aalisin ang ipinataw na total ban sa pagpapadala ng OFWs sa Kuwait.
MOST READ
LATEST STORIES