Rep. Andaya, nagpaliwanag sa viral video ng kaniyang pagwawala

Inquirer File Photo

Nagpaliwanag si Camarines Sur. 1st Dist. Rep. Rolando Andaya sa kumalat ng video sa Facebook kung saan makikitang siya ay nagwawala at nagsisisigaw.

Ayon kay Andaya, mayroon siyang buong kopya ng nasabing video kung saan makikita ang totoong nangyari.

Paliwanag ni Andaya, humingi ng tulong sa kaniya ang mga residente dahil sa pagtambak ng graba sa kalye na bahagi ng proyekto para sa upgrading ng Naga Airport.

Pero ani Andaya, tumututol ang mga tao sa lugar sa pagkuha sa kanilang mga lupa na maaapektuhan ng proyekto dahil iyonlamang ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

Kahapon ani Andaya, pwersahang ginawa ang pagtatambak ng lupa para mapilitan ang mga residente na ipaubaya sa proyekto ang kanilang lupain.

Dahil mismong ang mga residente at ang alkalde ng Pili, Camarines Sur ang humingi sa kaniya ng tulong ay nagtungo si Andaya sa lugar at pinakiusapan ang aniya ay nasa 50 mga itinalagang bantay sa lugar.

Pumunta din aniya siya sa Pili Police Station kasama ang mga taong nagrereklamo, para din isuko ang mga itak at kutsilyong nakumpiska ng mga tauhan ng alkalde mula sa mga nagbabantay.

Pero nang dumating umano siya doon, dinatnan niya si 2nd Dist. Rep. L-Ray Villafuerte at pinagsisigawan siya.

Ito aniya ang dahilan kaya nakipagsagutan siya kay Villafuerte.

Ani Andaya, wala siyang sinaktan o tinakot dahil napakarami noong tauhan ni Villafuerte sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...