Balasahan sa 4 na matataas na posisyon sa PNP, ipatutupad; Cascolan, bagong NCRPO Chief

Magkakaroon ng balasahan sa apat na matataas na posisyon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang inanunsyo ni Incoming PNP Chief Police Director Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde si Police Director Camilo Cascolan ng Director for Operation ng PNP ang papalit sa kanya sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinumpirma naman ni Cascolan ang pagkakatalaga sa kanya at sinabing posibleng ilabas ngayong araw ang official order.

Si Cascolan ay ‘Mistah’ ni Albayalde sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986,

Mula naman sa Region 4-A ay huhugutin si Police Chief Supt. Ma-O Aplasca at ipapalit sa mababakanteng pwesto ni Cascolan.

Habang uupo naman bilang bagong Regional Director ng CALABARZON si Police Chief Supt. Guillermo Eleazar na dating Quezon City Police Director (QCPD).

Papalit naman kay Chief Supt. Eleazar si Chief Supt. Joselito Esquivel na nakatalaga sa the Directorate for Intelligence.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...