4 katao arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang 4 katao sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Acquiattan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, target ng operasyon ang isang alyas Jeng na umano’y tulak ng droga.

Sa isinagawang buy-bust naaktuhan ang isang alyas Eddie sa lugar na siyang may-ari umano ng drug den at dalawang iba pa habang gumagamit ng ilegal na droga.

Nakuha sa apat ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,000 at mga drug paraphernalia.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...