Pangulong Duterte binalaan ang mga makakaliwang grupo sa pag-imbita ng mga dayuhan para batikusin ang human rights sa bansa

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang grupo na huwag nang mag-imbita ng mga dayuhan sa bansa para magsalita o bumatikos ukol sa isyu ng human rights.

Ayon sa pangulo, kapag pumasok sa bansa ang mga dayuhan ng panakaw o palihim, kanya itong ipaaresto.

Pero ayon sa pangulo, kung pupunta man dito sa bansa ang mga dayuhan, dapat na ayusin ang pagbibigay ng mga puna o talumpati sa ukol sa human rights.

Ayon sa pangulo, tungkulin niya na pangalagaan ang bansa.

Hangga’t siya ang pangulo hindi niya hahayaan na yurakan ang Pilipinas.

Hinamon pa ng pangulo ang mga makakaliwang grupo na dapat na tumakbong pangulo na lamang para magkaroon ng kapangyarihan kung sino sa mga dayuhan ang hustong papasukin o palabasin ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...