Nakikita ni Recto na maaring maging mabisang paraan ito para mabawasan ang smuggling sa bansa partikular na ng mga produktong pagkain na nagpapahirap sa buhay ng mga lokal na magsasaka.
Ngunit paglilinaw ng senador ang kanyang tinutukoy na mga barko ay naglalaman lang ng isang uri ng mga kontrabando at alam ito ng mga tripulante.
Ginawa ni Recto ang suhestiyon matapos maharang sa Zamboanga ang isang banyagang barko na may kargang 8,000 sako ng puslit na bigas.
Dagdag pa nito, base sa Customs Modernization and Tariff Act sa bansa maaring kumpiskahin ng awtoridad ang isang barko kung may mga paglabag.
Binanggit pa nito na sa nakalipas na limang taon, aabot sa P200 bilyon halaga ng mga produkto mula sa bukid ang ipinuslit sa bansa na ikinalugi ng hanggang P80 bilyon sa buwis ng gobyerno.