Sa Nepa Q-Mart sa Cubao, nagkaroon ng hindi bababa sa P5 dagdag sa presyo ng kada kilo ng manok. Ito ay dahil sa mainit na panahon.
Una nang kinuwestyon ng United Broilers’ Association o UBRA ang pagtaas ng presyo dahil bumaba pa nga umano ang farm gate prices ng manok sa nagdaang mga buwan.
Ayon sa UBRA, P73 lang ang farm gate price ng manok ngayong Abril, na mas mababa kumpara sa P83 noong Marso.
Sa ngayon wala din aniyang ulat mula sa mga miyembro ng UBRA na nakapagtatala sila ng kaso ng pagkamatay ng mga manok dahil samainit na panahon.
Ayon kay DA Sec. Manny Pinol, magpapatawag siya ng pulong at aalamin niya sa stakeholders ang ulat ng pagtaas ng presyo ng manok