Pang. Duterte nananatiling hindi pabor sa divorce bill

Harap-harapang sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Pantaleon Alvarez sa gitna ng isinusulong na panukalang diborsyo sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa talumpati ng pangulo sa Change of Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, Quezon City ay sinabi nito na humihingi siya ng paumanhin kay Alvarez dahil hindi niya papaboran ang Divorce Bill.

Ayon sa pangulo, hindi masaya ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Pinayuhan pa ng pangulo si Alvarez na mag-usap na lamang sila ni Mayor Sara.

Matatandaang nagkaroon na ng word war sina Alvarez at Mayor Sara dahil sa pahayag ng House Speaker na maituturing nang oposisyon ang anak ng pangulo dahil sa pag-anib nito sa Hukbo ng Pagbabago na isang local party.

Read more...