Mount Amuyao isasarado sa publiko dahil sa basura

www.pinoymountaineer.com

Ipinagutos ng alkalde ng bayan ng Barlig sa Mountain Province na si Mayor Genesis Changilan ang pagpapasara ng trail papuntang Mount Amuyao simula May 1.

Ito ay dahil sa mga basurang iniwan ng mga hiker at trekker mula sa Batad rice terraces sa summit ng Mount Amuyao.

Partikular na isasara ang trail na nagkokonekta sa Batad rice terraces sa Banaue, Ifugao at Mount Amuyao.

Batay sa environmental guidelines, dapat dalhin ng mga trekkers ang kanilang basura sa Barangay Macalana na siyang itinalagang jump-off point.

Kumokolekta rin ng environmental fee mula sa mga hiker.

Ayon kay Changilan, layunin ng pansamatalang pagpapasara sa trail ang makapag-self regenerate ang bahaging ito ng Mount Amuyao.

Samantala, bukas naman ang bagong Barlig-Mount Amuyao-Kadaclan trail na magsisilbing alternatibong ruta paakyat ng bundok, at kasabay nito ay maaari pang mapuntahan ng mga trekkers ang iba pang tourist destination sa Barlig.

Read more...