WATCH: Anim na magka-kamag anak tinamaan ng kidlat, patay

Courtesy: Philippine Army

Patay ang anim na magka-kapamilya kabilang na ang limang bata habang 17 iba pa ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa Sipalay City, Negros Occidental.

Nabatid na nagpapahinga ang mga biktima na magtatabas ng tubo kasama ang ilang mga bata sa Sitio Baras-baras, Barangay Manlokahuc nang maganap ang insidente.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mary Tejoc, 35; Mariel Montecino, 12; Charlene, 12; Mae Ann, 9; Ardemiel, 10; at Rose, 5, na pawang may apelyedong Seminion.

Bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang sumilong ang mga ito sa ilalim ng truck sa puno.

Nang humupa ang ulat ay nagkaroon ng kidlat at tinamaan ang mga ito.

Isinugod sa Sipalay Hospital ang mga biktima pero idineklarang dead-on-arrival ang anim.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...