Bagong Transport Network Company na papalit sa Uber, aprubado na ng LTFRB

LTFRB Photo

May kapalit na ang nagpaalam na Transport Network Company na Uber.

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang accreditation ng isa pang ride-hailing app na “Hype” na pag-aari ng Filipino company na Hype Transport Services, Inc.

Pirmado ni LTFRB Chairman Martin Delgra, at Board Members Atty. Aileen Lizada at Engineer Ronaldo Corpuz ang acceditation na natapos kahapon, April 18.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, maaari nang magsimula ng operasyon ang Hype oras na matanggap nila ang accreditation ng ahensya.

Ayon sa LTFRB, ang accreditation ng Hype ay valid ng dalawang taon.

Ayon pa kay Lizada, ang area of concentration ng Hype ay sa Metro Manila muna.

Matatandaang tuluyan nang nagpaalam ang Uber dito sa Pilipinas mula noong Lunes, April 16 matapos i-take over ng Grab ng operasyon ng Uber sa buong Southeast Asia.

Read more...