Alab Pilipinas at Mono vampire magtatapat sa ABL Finals

ABL Photo

Magtatapat ang pambato ng Pilipinas na San Miguel-Alab Pilipinas at koponan ng Thailand na Mono Vampire Basketball Club para sa finals ng ASEAN Basketball League.

Ito ay matapos talunin ng Mono Vampire ang Chong Son Kung Fu ng China.

Magsisimula ang best-of-five series finals sa Linggo, April 22 at magaganap ito sa Sta. Rosa Multipurpose Complex sa Laguna dito sa Pilipinas.

Sa kaparehong venue rin magaganap ang Game 2. Habang lilipad naman ang dalawang koponan sa home court ng Mono Vampire para sa Game 3.

Read more...