Ayon kay Alejano kung hindi kikilos ang pamahaaan ay oras na lamang ang hihintayin at siguradong magde-deploy na rin ang China ng fighter aircrafts sa lugar.
Dahil dito dapat anyang maghain ng diplomatic protest ang administrasyon sa halip na idepensa pa ang hakbang ng China.
Naniniwala rin ang kongresista na ang paglapag ng military plane ng China sa Panganiban Reef ay bahagi ng estratihiya nito para makontrol ang South China Sea.
Hindi naman nasorpresa ang kongresista sa paglapag ng military cargo plane ng China sa lugar dahil hindi naman anya ire-reclaim ng China ang nasabing bahura kung hindi ito gagamitin.
Iginiit pa nito na hindi gagawa ng military grade airstrip sa lugar ang China kung pang-display lamang.