Residential area sa Maynila nasunog

Courtesy: Fire Alert Metro Manila

Tuluyan nang naapula ng mga bumbero ang sunog na naganap sa isang residential area sa Bato Street na sakop ng Gagalangin, Tondo sa Maynila.

Ayon sa Manila Fire Department, alas-10:06 ng gabi nang sumiklab ang sunog na mabilis na umakyat hanggang sa ikatlong alarma.

Alas-10:47 ng gabi nang ideklarang fire under control ang pagliliyab, at tuluyang naapula ang sunog bandang alas-10:59 ng gabi.

Tinatayang nasa 15 hanggang 20 kabahayan ang nadamay sa sunog.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito.

Maswerte namang walang naitalang nasaktan sa nasabing pagliliyab.

Read more...