Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos sa Bureau of Immigration na imbitihan para sa maimebstigahan ang Australian misisonary na si Sister Patricaa Fox.
Sa talumpati ng pangulo sa change of command ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, sinabi nito na kaya niya pinaiimbestigahan si Sister Fox ay dahil sa disorderly conduct.
Sumunod lamang aniya ang Bureau of Immigration sa kanyang utos.
Inako rin pangulo ang lahat ng legal responsibility sa kaso ni Sister Fox ay mayroon umano siyang kapangyarihan na pagbawalang makapasok sa bansa ang isang undesirable alian.
Sinabi ng pangulo na kaya naman niyang tanggapin ang mga pag-atake o batikos pero hindi niya hahayaan na yurakan ang bansa.
Wala aniya siyang pakialam kung isang madre ang kanyang pinaimbestigahan dahil hindi siya magdadalawang-isip na gawin ito kahit na pinakamataas pang opisyal ng isang religious organization.
Iginiit pa ng pangulo na habang siya ang nanunungkulan hindi niya papayagan na bastusin ang bansa.
Binatikos pa ng pangulo si Sister Fox na panay ang batikos sa Pilipinas gayung hindi naman nito binabatikos ang kanyang sariling bansa.
Ayon sa pangulo, hindi naman niya ginawa ito sa Australia o sa European countries.
Ikinatwiran pa ng pangulo na mas maraming atraso ang Australia tulad na lamang ng hindi pagpapasok ng mga refugees sa nasabing bayan.