Pormal nang umupo sa kaniyang pwesto bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forcee of the Philippines si Lt. Gen. Carlito Galvez.
Ito’y matapos isagawa ang turnover of command at retirememt ceremony ni Gen. Rey Leonardo Guerrero na dinaluhan pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Galvez ang panginoon at mga tao na kanyang nakasama sa pakikipaglaban para sa bansa.
Binalikan nya rin ang kanyang pagmamando sa Marawi bilang pinuno ng Western Mindanao Command kung saan naghasik ng kaguluhan ang terotistang Maute at nagbuwis ng buhay ang ibang sundalo.
Pangako ng bagong Chief of Staff, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para protektahan ang bansa sa kamay ng ‘violent extremism’.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Galvez na suportado nya ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo kung uusad ito.
Hinikayat niya rin ang mga rebelde na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan.
Bukod kay Duterte, present din sa turnover ceremony si Vice President Leni Robrero at ibang mga kilalang personalidad kagaya nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, PNP Chief Ronald Dela Rosa, National Security Adviser Hermogenes Esperon, House Speaker Pantaleon Alvarez, Interior and Local Government OIC Eduardo Año at Environment Sec. Roy Cimatu.
Dinaluhan din ito nina Dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.
Si Galvez ay miyembro ng PMA Class 1985 at mistah ni Philippine Army Commander Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista.
Bago mahirang, siya ay naging Battalion Commander at Brigade Commander, nagkaroon din sya ng katungkulan sa GHQ, at pinakahuli ay napatunayan niya ang kanyang kahusayan bilang Commander ng Wesmincom.