Sa nasabing pagdinig ay binasa sa mga kasapi ng Piston ang reklamo inihain laban sa kanina.
Isang tsuper naman ang nangatwiran na kinuha siya para magsilbing driver ng service vehicle ng grupo sa ibang lugar kaya hindi ito nakabyahe pero pinagsabihan lamang ito ni Board Member Aileen Lizada dahil kailangan umanong nag-apply siya ng special permit..
Ito ay dahil isang pampasaherong jeepney ang kanyang ginamit na sasakyan na pumasok sa ibang lugar na labas sa kanyang prangkisa.
Hindi naman dumalo o sinamahan ng tagapangulo ng piston na si George San Mateo ang kanyang mga miyembro ng humarap sa LTFRB.
Nauna dito ay sinabi ng ahensiya na aalisan nila ng prangkisa ang mga jeepney operators na sasama sa anumang uri ng transport strike.
Ipinaliwanag naman ni Lizada na dadaan sa tamang proseso ang lahat ng reklamong kanilang tinanggap na reklamo laban sa Piston.
Kapag napatunayang sinadya nilang isabotahe ang byahe sa loob ng kanilang prangkisa ay kaagad nilang babawiin ito.