Publiko lugi sa Train law ayon kay Sen. Aquino

Inquirer file photo

Iginiit na ni Senator Bam Aquino ang pagbusisi sa tax reform program ng gobyerno dahil sa idinulot nitong mataas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ibinahagi ni Aquino na sa isinagawa niyang mga pagbisita sa mga mahihirap na lugar na ang nangungunang daing ng tao ay ang tila patuloy na pagtaas ng mga presyo.

Giit ng senador, bagaman tumaas ang inuuwing suweldo ng mga manggagawa dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act ay mas malaki naman ng itinaas ng gastusin ng pamilya dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin.

Kaya’t sinabi nito na makakabuti kung mabubusisi sa Senado kung ano ang tunay na naging epekto ng bagong batas sa buwis sa buhay ng mamamayan bunsod na rin ng pagtaas sa excise tax sa mga produktong petrolyo.

Inihain na ni Aquino ang Senate Resolution No 704 para maging daan na mangyari ang kanyang kahilingan na imbestigasyon.

Read more...