Delivery ng mga balota para sa Brgy at SK elections sisimulan na sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang pagbyahe sa mga accountable forms kagaya ng official ballot, election returns, canvassing form at indelible ink.

Ito ay para sa nalalapit na May 14, 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa notice na ipinalabas ng Comelec na pirmado ni Director Hernan Thaddeus, hepe ng Packing and Shipping Committee, nakatakdang simulan ang pagbyahe sa mga gagamiting dokumento at paraphernalia sa eleksyon sa April 25, 2018.

Uunahing ibiyahe ang mga accountable form sa malalayong lugar partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 8, Region 2, at Batanes.

Ngayong Abril din ibibiyahe ang mga accountable form para sa Region 11, 12, 9, 10, 8 at 6.

Sa unang linggo naman ng Mayo ay ibibiyahe ang para sa Cordillera Administrative Region, Region 2, 4-A, 4-B, 7, 5, 1 at 3.

Sa May 8 hanggang May 9 itinakda ang paghatid sa mga accountable form sa National Capital Region.

Tiniyak ng poll body na maglalagay sila ng mahigpit na seguridad sa delivery ng mga gagamiting paraphernalia sa eleksyon.

Read more...