San Policarpio, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng San Policarpio, Eastern Samar Miyerkules ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 12:06 ng tanghali sa 61 kilometers North ng San Policarpio.

May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang intensity 1 sa Catbalogan City bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...