Magkasamang inikot nina Trade Secretary Ramon Lopez, Aagriculture Secretary Manny Pinol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang ilang palengke para alamin ang suplay at presyo ng mga bigas.
Ayon kay Lopez pag-aaralan nila kung kailangan ng magpatupad standard retail price o SRP sa bigas.
Ito aniya para maiwasan ang magkakaibang presyo sa iisang variety ng bigas.
Sinabi pa nito na nagbilin sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte na siguraduhin na may mabibiling bigas ang taumbayan sa mga pamilihan.
Samantala, sinabi naman ni Pinol na inalam din nila ang pagtanggap ng mamamayan sa regular milled rice na ipinakalat ng mga pribadong negosyante ng bigas at ipinagbibili ng P39 kada kilo.
Aniya aalamin din nila kung bakit magkakaiba ang uri ng P39 kada kilo na bigas base sa reklamo na merong may amoy at madumi.
Binanggit din nito na pag-aaralan nila ang mga repormang ipapatupad sa industriya ng bigas.
Sa panig naman ni Aquino tiniyak nito na babalik ang P27 at P32 kada kilo na NFA rice kapag dumating na ang iaangkat na 250,000 metriko toneladang bigas mula sa Vietnam o Thailand.