BI nagkamali sa pag-aresto kay Sr. Fox; Malakanyang sinabing dapat may mag-sorry sa dayuhang madre

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Naniniwala ang Malakanyang na nagkamali ang Bureau of Immigration (BI) sa pag aresto kay Australian Missionary Sister Patricia Fox.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil sa mayroong nagkamali, dapat mayroong humihingi ng sorry kay Sister Fox.

Ayon sa BI, inaresto nila si Fox dahil sa paglahok sa mga political rally na mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas para sa isang dayuhan.

Hindi kasi nahuli sa akto na nagsasagawa ng kilos protesta si Sr. Fox. Pero ayon kay Roque, agad namang pinalaya ng BI ang dayuhan.

Nanindigan pa si Roque na walang karapatan ang mga dayuhan na manghimasok sa pulitika ng Pilipinas.

Wala rin aniyang gobyerno ang papayag na pakialaman ng mga dayuhan ang mga panloob na usapin.

“Eh meron naman pong batas talaga iyan, na ang mga dayuhan hindi dapat naghihimasok sa pulitika natin, at kahit sino namang gobyerno talagang ayaw nila na manghimasok ang mga dayuhan. Ang pagkakaiba lang po ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox at siguro apologies are in order, kasi madali naman siyang pinalabas din ng CID (BI) ‘no. So siguro nagkakamali din naman ng CID (BI),” ani Roque.

Kasabay nito, nanindigan si Roque na tama lamnang ang ginawang pag-aresto ng BI kay Party of European Socialists Deputy Secretary General Giacomo Filibeck dahil malinaw ang basehan ng kanyang pagpunta sa Pilipinas ay para dumalo sa isang political conventon na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...