Lider ng drug group, arestado sa Sorsogon

Inaresto ang umano’y lider ng isang drug group sa Sorsogon City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Robert Tapalla Galing, 34 taong gulang, lider ng Galing Drug Group.

Natimbog si Galing sa buy-bust operation na isinagawa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang naturang suspek ay high value target ng Philippine National Police.

Narekober kay Galing ang 13 sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber .45 na baril, dalawang cellphone at motorsiklo.

Nasa kustodiya ngayon ng Sorsogon City police si Galing na mahaharap sa kaso ng droga at paglabag sa gun ban.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...