Pangulong Duterte may sisibakin pang undersecretary

Mayroon pang sisibaking undersecretary si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque may naka-schedule na sibakin ang pangulo pero hindi muna ito pinangalanan ng kalihim.

Bahagi aniya ito ng pangako ng pangulo na tuluy-tuloy na paglilinis sa pamahalaan.

Ani Roque, sa kaniyang regular press briefing sa Huwebes ay maaring pwede na niyang pangalanan ang sisibaking Usec.

Samantala, tumanggi naman si Roque na magkomento sa pagbibitiw sa pwesto ni Labor Undersecretary Dominador Say.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...