Unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Basay sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 21 kilometers South ng Basay alas 2:05 ng madaling araw at mayroon itong lalim na 4 kilometers.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental alas 3:03 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa 48 kilometers ng Governor Generoso.
May lalim itong 18 kilometers at tectonic ang origin.
Alas 3:47 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 3.6 na lindol ang abyan ng Loreto sa Dinagat.
Ang ikaapat na lindol ay naitala sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran.
Naganap ang lindol alas 5:12 ng madaling araw sa 2 kilometers South ng Naval.
Pawang hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong magkakasunod na pagyanig.