Ayon sa PAGASA, dahil sa nasabing extension ng LPA, ang buong Mindanao ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Maari itong magdulot ng pagbaha at landslides dahil sa mararanasang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa ayon sa PAGASA.
Kahapon, naitala ang 34.8 degrees Celsius na maximum temperature sa Metro Manila ganap na ala 1:00 ng hapon.