Isa patay sa engine failure ng isang eroplano sa Philadelphia

AP Photo

Isa ang nasawi matapos mag emergency landing ang isang Southwest Airlines flight dahil sa engine failure sa Philadelphia, USA.

Sa report ng Associated Press, galing sa New York patungo ng Dallas ang eroplano nang ito ay mag emergency landing dahil sa pinsala sa isa sa mga makina nito.

Sinabi sa report na isang babae ang inalis sa eroplano matapos tumama sa loob ng eroplano ang pira-pirasong shrapnel mula sa nawasak na engine nito.

Bukod sa nasawi maraming iba pa ang isinugod sa ospital.

Ayon sa mga pasahero, nakarinig sila ng pagsabog at matapos ito ay bumaba mula sa taas ng kanilang upuan ang mga oxygen mask.
Nawasak din anila ang bintana ng eroplano dahil sa nagka aberyang makina.

Read more...