Presyo ng manok tumaas na dahil sa mainit na temperature

Tumaas na ang presyo ng manok sa ilang na pamilihan kasunod ng nararanasang mainit na panahon.

Mas mahal ang kada kilo ng manok ngayon ng mula sampu hanggang tatlumpung piso.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, ang dating P70 kada kilo ng paa ng manok mabibili na ito sa P100.

Pumalo naman ang kada kilo ng pakpak ng manok sa P150 mula sa dating P140 habang ang pecho ay mabibili ng P130 kada kilo mula sa dating P110.

Sa Masinag Market sa Antipolo City tumaas din ng sampung piso ang kada kilo ng karneng manok.

Mula sa dating P140 mabibili na ang kada kilo ng choice cuts sa halagang P160.

Sinabi ng mga magtitinda na ang pagtaas sa presyo ay dahil sa kakulungan ng supply nito sa merkado.

Hirap anilang lumaki ang mga manok kapag maiits ang panahon kung saan marami pa nga ang namamatay dahil sa mataas na temperatura.

Read more...