Animnapu’t pitong miyembro ng New People’s Army mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Masbate ang sumuko sa militar.
Sinabi ni Army’s 903rd Infantry Brigade Commander Colonel Greg Almerol, sumuko ang mga nasabing rebelde dahil sa mahirap na kalagayan sa bundok.
Bukod pa anya rito ang hindi naibibigay ang kanilang mga suweldo.
Tutulungan naman anya ng gobyerno ang mga sumukong rebelde at sasailalim sa Comprehensive Local Integration Program.
Mabibiyayaan din anya ng housing assistance ang mga rebel returnees sa pamamagitan ng National Housing Authority.
Bukod sa mga sumuko mayroon pa ayon kay Almerol na nasa isandaang rebelde ang nagpahayag na magbaba ng armas at bumalik sa pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES