Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III, nakatakda na rin ang paglabas ng pangulo ng executive order para isara ang isla simula April 26.
Una nang sinabi ng Malacañan na kailangang ideklara ang state of calamity sa Boracay para makapaglabas ng pondo na gagamitin sa paglilinis at rehabilitasyon ng naturang sikat na tourist destination.
Pebrero nang sabihin ng pangulo na naging cesspool o tapunan ng dumi ng tao ang isla.
Tiniyak naman ng gobyerno na tutulungan ang mga manggagawa na maapektuhan ng pagsasara.
Una na ring sinabi ng DILG na maaari namang mapaikli ang pagsasara sa Boracay at muli itong buksan sa mga turista sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.