Satisfaction ratings nina CJ Sereno at House Speaker Alvarez bumaba

Parehong bumaba ang net satisfaction ratings nina Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula March 23 hanggang 27, parehong neutral ang ratings nina Sereno at Alvarez matapos ang naitala nilang double-digit na pagbaba sa ratings.

Ang bagong record low ni Sereno ay -7. Ito ay 13 points na pagbaba mula sa rating nito noong December 2017.

Samantala, sinabi ng SWS na 13 points din ang ibinaba ni alvarez na nagresulta sa +1 mula sa dating +14 na naitala nito noong Disyembre.

Nagpapakita ito na 31% ng respondents ang kuntento pa rin sa trabaho ng House Speaker habang 29% ang hindi na kuntento.

Napanatili naman ni Vice President Leni Robredo ang good rating kahit bumaba ito ng walong puntos sa +34 mula sa +42 rating sa huling quarter ng 2017.

Nakasaad din sa survey na good pa rin ang rating ni Senate President Koko Pimentel kahit bumaba rin ito ng walong puntos sa +41 kumpara sa +49 sa huling survey.

Read more...