Malacañan nagpaabot ng pagbati sa Filipino journalist ng Reuters na nanalo ng Pulitzer award

Pulitzer photo

Nagpaabot ng pagbati ang palasyo ng
Malacañan sa reporter ng Reuters na si Manny Mogato bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo sa Pulitzer award dahil sa kanyang serye ng report tungkol sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa pulong balitaan sa Boracay island ay nanindigan si Presidential
Spokesperson Harry Roque na lehitimo ang polisiya ng pangulo sa kanyang
kampanya kontra sa ilegal na droga.

Sinabi pa ni Roque na walang ibang
hangarin ang pangulo kundi pangalagaan ang mga kabataan at mailayo sa paggamit sa iligal na droga.

Base sa serye na report ng Reuters, mayroon umanong Davao Boys o mga pulis galing Davao na nagsasagawa ng patayan sa mga drug personalities.

Karaniwan din umanong dinadala sa
ospital ang mga napapatay sa anti-drug war operation para palabasin na dead on arrival ang mga drug personalities.

Read more...