Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin ni Russian President Vladimir Putin ang tamang hakbang sa ginagawang airstrike ng Amerika laban sa Syria.
Inilabas ng Malacañan ang pahayag matapos ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Russian ambassador to the Philippines Igor Khovaev sa Palasyo.
Sa pulong balitaan sa Boracay island, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaasa rin ang pangulo na hindi na lalalala pa ang sitwasyon at manunumbalik ang kapayapaan sa Syria.
Aabot aniya sa isang libong Pilipino ang nasa Syria.
Matatandaang nagsagawa ng airstrike ang Amerika sa Syria dahil sa paggamit umano nito ng chemical weapon.
Bukod sa syria, natalakay din nina Pangulong Duterte at Khovaev ang usapin sa war on drugs ng administrasyon at ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).