EO ni Pang. Duterte para lamang sa endo at hindi kontraktuwalisasyon — Malacañan

Kumambyo ang palasyo ng Malacañan kaugnay sa ilalabas na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, para lamang sa end of contract o ang tinatawag na 555 o ang mga tig-limang buwan lamang na mga manggagawa ang EO at
hindi para sa kontraktuwalisasyon.

Ayon kay Roque, ang EO ng Pangulo ay para sa “fly by night” na mga kumpanya na hindi umaabot sa anim na buwan ang kanilang mga empleyado. Binigyang-diin ng kalihim na ang
endo ay talagang ipinagbabawal ng batas, lalo na yung mga “kabo” o mga walang kapital at ang papel ay maunsiyami ang employee- employer relationship.

Ang contractualization ani Roque ay mangangailangan ng pag-aksiyon sa Kongreso at mayroon nang naipasang batas sa mababang kapulungan at hinihintay na lamang ang bersiyon ng Senado.

“Lilinawin ko lang, ang pangako ng Presidente ay itigil itong 555 o endo, hindi ang contractualization. Yung endo kasi talagang sisisantehin ka pagkatapos ng limang buwan o anim na buwan para hindi ka maging regular,” ani Roque.

Read more...