Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Tarragona sa Davao Oriental.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, alas 10:12 ng gabi nang maramdaman ang nasabing pagyanig.

Naitala ang sentro ng lindol sa 266km silangan ng Tarragona at may lalim itong 115km.

Tectonic ang naging origin ng pagyanig at wala namang naitalang intensity o aftershocks ang lindol.

Ayon pa sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala na naidulot ang nasabing lindol.

Read more...