Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang San Policarpio, Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 8:10 ng gabi.

Namataan ang sentro ng lindol sa 65km silangan ng bayan ng San Policarpio at may lalim na 46 na kilometro.

Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang Intensity I ng lindol sa Borongan City, Eastern Samar at Calbayog City, Samar.

Wala namang inaasahang aftershocks ang nasabing lindol.

Read more...