Lalaki patay matapos maaksidente sa Quezon City

Labas ang utak ng isang lalaki matapos itong maaksidente sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Jubert Abenes, 29 na taong gulang na angkas lamang ng kanyang kaibigang rider na si Roland Andres.

Kapwa mga security guard ang dalawa.

Ayon kay PO2 Gonzales ng Quezon City Traffic Sector 4, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon tungkol sa nangyaring aksidente.

Napag-alaman na tanging si Andres lamang ang nakasuot ng helmet, habang sumbrero lamang ang suot ni Abenes.

Ani Gonzales, hindi pa nila makausap nang maayos is Andres dahil tila na-trauma ito sa pangyayari.

Ang tanging nasabi lamang umano ni Andres ay hindi niya maalala na sila ay naaksidente pala.

Iniisa-isa ng mga otoridad ang mga establisyimento sa lugar upang malaman kung mayroon bang nakahagip na CCTV sa naganap na aksidente.

Sa ngayon ay nasa ospital na si Andres matapos niyang magtamo ng sugat sa katawan dahil sa aksidente.

Read more...