Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng mga bagong appointees, sinabi ng pangulo na noong nakaraang linggo ay sinibak niya ang ilan pang matataas na opisyal.
Walang binanggit na pangalan si Duterte pero ipinahiwatig nito na ang tinanggal na mga opisyal ay iyong napabalik-balik sa Davao City at nanghikayat sa kanyang tumakbo bilang presidente noong 2016.
Sinabihan umano ng pangulo ang nasabing mga opisyal na tumakbo dahil wala nang ibang kandidato at para ayusin ang bansa at matigil na ang kurapsyon.
Ayaw umano ng pangulo na mawalan ng bilib sa kaibigan o kakilala pero mayroon anyang nangyayaring kalokohan kaya siya nagtatanggal ng mga opisyal.
Una nang sinibak ng pangulo si Terry Ridon bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Peter Laviña bilang administrator ng National Irrigation Authority (NIA), Dionisio Santiago bilang chairman ng Dangerous Drugs Board, at Mike Sueno bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).