Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na panahon upang pag-aralan ang isang executive order na tutugon sa endo o end of contract ng mga ordinaryong manggagawa.
Sa talumpati ng pangulo sa awarding ng Medalya ng Kagitingan sa 42 miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na nasawi sa Mamasapano clash sa Maguindanao, sinabi nito na mayroong bagong kopya ng EO na ibinigay sa kanya.
Pero ayon sa pangulo, pag-aaralan niya muna itong mabuti para matiyak na matutulungan ang mga Pilipinong manggagawa.
Nagpaliwanag pa ang pangulo na kaya siya na-late ng tatlumpong minuto sa awarding ng Medalya ng Kagitingan ay dahil sa isa pang kopya ng EO para sa endo.
Nagmamadali na aniya ang labor groups at mayroon nang unrest dahil sa hindi pa niya nalalagdaan ang EO.