Kaso ni Sr. Patricia dapat dumaan sa due process ayon sa CHR

CHR Facebook

Naglabas ng pahayag ang Commission on Human Rights (CHR) kasunod ng pag-aresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Australian Missionary na si Sister Patricia Fox.

Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline De Guia, mandato ng pamahalaan na protektahan at itaguyod ang karapatang pantao ng lahat ng tao sa bansa, kabilang na ang mga foreign nationals na nasa loob nito.

Ayon kay De Guia, marapat lamang na tiyakin ng gobyerno na dumaan sa due process ang kaso ni Sr. Patricia, habang iginigiit ang itinatakda ng batas.

Ayon sa CHR, maging ang mga dayuhan ay mayroon ring karapatan na sumali sa mapayapang pagkilos, basta’t hindi siya nagdudulot ng pangamba sa seguridad ng bansa at ng publiko.

Hinimok rin ng CHR ang pamahalaan na igalang ang rule of law at tiyaking protektado ang dignidad ng bawat tao sa pamamagitan ng pagrespeto sa kanilang karapatan.

Read more...