Evasco tanggap ang pagsipa sa kanya sa NFA Council

Inquirer file photo

Nagpasalamat si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang National Food Security (NFA) Council.

Ayon kay Evasco, iginagalang niya ang pasya ng pangulo na alisin na siya bilang chairman ng konseho at ibalik sa Department of Agriculture ang pamamahala sa National Food Authority.

Ipinagmalaki rin ni Evasco na sa loob ng kanyang panunungkulan bilang NFA Council Chairman ng mahigit isang taon ay nailatag niya ang ilang policy guidelines para sa transparent, competitive at accountable system ng pagbili at pamamahagi ng NFA rice bilang resulta ng kanilang 20 council meetings.

Iginiit pa ni Evasco na hindi lamang pawang sariling pagpapasya ang kanyang ginawa sa konseho.

Sinabi rin ng opisyal na sa loob ng 20 taong paninilbihan sa gobyerno ay hindi siya kailanman nakasuhan, naimbestigahan o naharap sa anumang reklamong may kinalaman sa kanyang trabaho gaya ng katiwalian sa Office of the Ombudsman o sa Sandiganbayan.

Umapela naman si Evasco sa susunod na Chairman ng NFA Council na samantalahin ang kanilang mga nasimulan at ipagpatuloy ang mga sistema ng pagbabago para ganap na mapakina bangan ng NFA.

Hinamon rin niya ang mga opisyal ng NFA na panatilihin ang de-kalidad pero murang halaga ng bigas sa mga pamilihan para sa mga mahihirap na consumers.

Read more...