Isang hoax o hindi totoo ang ulat kaugnay sa balitang namatay na si dating US First Lady Barbara Bush sa edad na 92.
Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Bush, nanatili ang dating unang ginang sa kanilang tahanan at binabantayan ng mga kaanak at mga duktor ang kundisyon nito.
Ilang taon na ring nakikipaglaban sa kanyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease at congestive heart ailment si Bush.
Sa pahayag ng pamilya Bush, mahina na umano ang pangangatawan ni Barbara kung kaya’t napagdesisyunan ng pamilya Bush na hindi na palawigin ang medical treatment nito.
Nauna dito ay lumabas ang mga ulat na mismong ang dating unang ginang ang nagsabi na huwag na siyang bigyan ng anumang uri ng gamot.
Si Barbara ay asawa ni dating U.S President George H.W. Bush at ina naman ni dating U.S President George W. Bush.