Sa mosyon na isinumite ng kampo ni Arroyo sa Sandiganbayan Fourth Division, hiniling sa anti-graft court na payagan siyang manatili sa Japan mula October 23 hanggang 29 at sa HongKong naman sa October 29 hanggang November 3.
Ayon sa legal counsel ng dating ginoo na si Atty Ruy Alberto Rondain, kailangang dumalo si Arroyo sa grand reunion ng Arroyo family sa Japan at Hong Kong.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft sa fourth division na may koneksiyon sa umanoy anomalya sa National Broadband Deal na nagkakahalaga ng 329 million dollars sa ilalim ng ZTE corporation noong taong 2007 kung saan kasulukuyang presidente ang kanyang asawa na si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Kasong graft din sa Sandiganbayan Fifth Division ang kinakaharap ni Arroyo na may kaugnayan naman sa anomalya sa pagbili ng overpriced helicopters ng Philippine National Police noong 2009.
Samantala base sa record parehong mosyon ang isinumite ni Arroyo sa dalawang dibisyon tatlong linggo na ang nakakaraan kung saan pinayagan siyang makaalis ng bansa ng magtungo ito sa Europe kapalit sa pagbibigay nito ng bond at ang pangakong babalik ito ng bansa.