Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA aabot sa pito hanggang labing dalawang tropical cyclones pa ang maaaring maranasan at maka-apekto sa bansa.
Mahihinang pag-ulan pa rin ang paminsan-minsang mararanasan sa kabila ng pagkawala o pagtatapos ng pag-iral ng hanging habagat.
Matatandaang noong Huwebes ay inanunsiyo na ng PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng tag-ulan at pagpasok naman ng hanging amihan na nararanasan tuwing holiday season.
Samantala matapos ang huling bagyong pumasok sa bansa na “Kabayan” ang mga susunod na bagyo na papasok sa bansa ay pangalanan na Lando, Marilyn, Monoy, Onyok, Perla, Quiel, Ramon, Sarah, Tisoy, Ursula, Viring, at Weng.