VP Leni Robredo nag-sorry sa kontrobersyal na Holocaust Memorial photo

Photo from the Facebook page “Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan

Humingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo sa kontrobersiyal na larawan kung saan makikita siya at kasama ang ilang Liberal Party (LP) lawmakers sa Holocaust Memorial sa Germany.

Ayon sa bise presidente nais niyang humingi ng paumanhin kung mayroon silang na-offend sa nasabing larawan.

Bagaman wala aniyang malisya sa nasabing larawan, bilang bise presidente, nais niyang harapin ang buong responsibilidad kaya nais niyang humingi ng pasensya.

Ang nasabing larawan ay unang naipost sa twitter ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kalaunan ay inalis din.

Maraming netizens ang nagkomento at sinabing hindi nirespeto nina Roberdo ang mga biktima ng Nazi genocide sa Europe noong World War II sa pagpapakuha ng larawan kung saan makikitang sila ay pawang nakangiti sa picture.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...