Sa October 12, 2015 ang effectivity ng resignation ni de Lima. “Naghain na po ako ng formal letter of resignation sa pangulo at sinabi ko po doon na effective October 12. Hinihintay ko lang po ang pormal na pagtanggap ng pangulo sa resignation ko,” ani de Lima.
May inirekomenda ang kalihim sa pangulo na susunod na kahilim sa Deparment of Justice (DOJ) pero nilinaw ng kalihim na ayaw niyang pangunahan ang pananaw ni Pangulong Aquino kung sino ang papalit sa kanya.
Ngayong araw ay pormal ng nanumpa si de Lima na miyemrbo ng ruling party na Liberal Party. Kinumpirma rin ni Senate President Franklin Drilon na ikinukunsidera si de Lima sa LP senatorial line-up.
Sa huling Social Weather Stations survey ay nasa ikapito sa ranking ng mga senatoriables. Sa Pulse Asia Survey naman ay kasama rin ito sa probable winners matapos itong pumasok sa 14th place.
Samantala, sa resignation letter naman ni Villanueva, pinasalamatan nito si Pangulong Aquino dahil sa paniniwala at tiwala na ibinigay sa kaniya.
Noong Martes nag-anunsyo si Villanueva na tatakbo siyang senador sa susunod na eleksyon.
Isa si Villanueva sa napapabalitang kabilang din sa line-up ng Liberal Party na iaanunsyo sa Lunes, October 12.